Tuesday, December 4, 2007

Iibigin Ka sa Malayo

Isang damdaming pilit kong tinatago
Pilit na iwinawaksi dito sa aking puso
Di maamin kahit minsan sa aking panaginip
Ako’y mahuhulog sa laro ng pag-ibig

Pikit mata ma’y di ko matatanggap
Na aking makikilala di man hinahanap
Tahimik ang aking buhay, matiwasay aking mundo
Ngunit nang dumating ka, lahat biglang nagulo

Bakit sayo pa tumibok itong puso?
Bakit sayo na isang talang malayo
Maaari ko bang pigilin sigaw nitong damdamin?
At itago sa puso, pag-ibig na kinikimkim

Siguro nga’y pag-ibig itong matatawa
Isipin man ng mundo na ako’y duwag
Di mo na kailangan pang malaman ito
Mahal kita ngunit Ika’y iibigin ko na lang sa malayo

No comments: